Ria Money Transfer Mobile Application - Mga Tuntunin at Kondisyon
22 Mayo 2024
PANIMULA
Ang Ria Financial Services Australia Pty Ltd. (ABN: 43 114 423 782), isang kumpanyang iningkorpora sa Australia na may rehistradong address sa Level 1, 75 Castlereagh Street, Sydney NSW 2000, Australia ay lisensyado para sa pagbibigay ng mga serbisyo ng money transfer at nakikipagkalakaran sa ilalim ng pangalang 'Ria' at/o 'Ria Money Transfer' (mula rito ay “Ria”, “kami”, “amin” o “namin”).
Mahalagang basahin at maunawaan mo ang mga tuntunin at kondisyong ito ("Mga Tuntunin at Kondisyon") bago mo tanggapin ang mga ito. Ang Mga Tuntunin at Kondisyong ito ay maaaring ipatupad at available sa Ria Money Transfer mobile application na pinamamahalaan ng Ria at/o alinmang iba pang kumpanya sa loob ng Aming Grupo (ang “Ria Money Transfer App”). Ipinaliliwanag ng mga ito ang karamihan ng iyong mga responsibilidad sa amin at aming mga responsibilidad sa iyo, kung paano at kailan maaaring tapusin ang aming kasunduan sa iyo at ang hangganan ng aming pananagutan sa iyo. Makakakuha ng dagdag na impormasyon sa ilalim ng seksyon ng 'Mga Madalas Itanong' sa Ria Money Transfer App.
SA PAMAMAGITAN NG PAGKUMPLETO AT PAGPAYAG SA IMPORMASYONG KINAKAILANGAN PARA GUMAWA NG TRANSAKSYON SA PAGBABAYAD AT SA PAMAMAGITAN NG PAGTANGGAP SA MGA TUNTUNIN AT KONDISYONG ITO, SUMASANG-AYON KANG MAPAILALIM SA MGA TUNTUNIN AT KONDISYONG ITO. MANGYARING HUWAG GAMITIN ANG ALINMAN SA AMING MGA SERBISYO KUNG HINDI MO TINATANGGAP ANG MGA TUNTUNIN AT KONDISYONG ITO. ANG MGA TUNTUNIN AT KONDISYONG ITO AY ISANG LEGAL NA NAGBUBUKLOD NA KASUNDUAN AT MAHALAGANG PAGLAANAN MO NG PANAHON NA MABASA NANG MABUTI ANG MGA ITO.
ALERTO SA PANLOLOKO SA MAMIMILI: ANG PAGWA-WIRE NG PERA AY KATULAD LANG NG PAGPAPADALA NG CASH. PROTEKTAHAN ANG IYONG SARILI MULA SA PANLOLOKO SA PAMAMAGITAN NG PAGPAPADALA LANG NG PERA SA MGA TAONG KILALA MO O KAYA'Y MAPAPATUNAYAN MONG MAPAGKAKATIWALAAN. MAG-CLICK DITO PARA MATUTO PA TUNGKOL SA LIGTAS NA PAGPAPADALA NG PERA GAMIT ANG RIA. KUNG NANINIWALA KANG BIKTIMA KA NG PANLOLOKO O SCAM, MAKIPAG-UGNAYAN AGAD SA AMIN SA 1-800-531-581 Opt 2 O SA PAMAMAGITAN NG EMAIL SA compliance-au@riafinancial.com AT MAKIPAG-UGNAYAN SA INYONG LOKAL NA AWTORIDAD NA NAGPAPATUPAD NG BATAS.
1. ANG AMING MGA SERBISYO
1.1. Ang Mga Tuntunin at Kondisyong ito ang namamahala sa pagbibigay ng Aming Serbisyo, na binubuo ng pagsasagawa ng mga Transaksyon sa Pagbabayad na pinasimulan mo sa pamamagitan ng Ria Money Transfer App. Ang Mga Tuntunin at Kondisyong ito ay ipapatupad sa iyong paggamit ng Ria Money Transfer App kung saan inuutusan mo kaming isagawa, at sumasang-ayon kaming isagawa para sa iyo, ang alinman sa Aming Serbisyo, kabilang ang lahat ng content, functionality at mga serbisyong inaalok sa pamamagitan nito.
1.2. Ang aming mga obligasyon sa ilalim ng Mga Tuntunin at Kondisyong ito ay nakasalalay sa aming pagtanggap sa iyo bilang user, na nakabatay sa aming sariling pagpapasya at inilalaan namin ang karapatang tanggihan ang pagbibigay ng Aming Serbisyo sa iyo nang hindi tumutukoy ng dahilan. Dapat mong ibigay nang maagap ang lahat ng impormasyon at dokumentasyon na maaaring hingin namin sa iyo sa anumang oras upang makasunod kami sa anumang mga legal na kinakailangan kaugnay ng Aming Serbisyo, kabilang kung hihingin ng regulasyon laban sa money laundering (pagkukubli ng pinagmulan ng perang nakuha sa ilegal na paraan) at terrorist financing (pagbibigay ng pinasyal na suporta sa mga terorista), at pumapayag kang makipag-ugnayan kami sa iyo para sa mga layuning ito.
2. MGA DEPINISYON
2.1. Ginagamit ng Mga Tuntunin at Kondisyong ito ang mga sumusunod na depinisyon:
(i) Ang ibig sabihin ng "Bank Card" ay isang Visa o MasterCard credit card, o isang debit card
(ii) Ang ibig sabihin ng "Bank Transfer" ay ang paraan ng pagbabayad kung saan inuutusan mo ang iyong bangko na magpadala ng pera o bayad nang direkta, o sa pamamagitan ng isang third-party na kumpanyang tagaproseso ng mga bayad na katransaksyon ng Ria (tulad ng POLi Payments) para sa layuning padaliin ang iyong mga pagbabayad para sa Aming mga Serbisyo, papunta sa mga bank account ng Ria.
(iii) Ang "Araw ng Negosyo" ay nangangahulugang Lunes hanggang Biyernes, hindi kasama ang mga Pista-Opisyal ng Bangko at Pampublikong Pista-Opisyal, sa Australia
(iv) Ang ibig sabihin ng "Card Issuer" ay ang nag-isyu at may-ari ng isang Bank Card
(v) Ang "Aming Grupo" ay binigyang-kahulugan sa sugnay 20 sa ibaba
(vi) Ang ibig sabihin ng "Aming Serbisyo" ay ang serbisyo ng money transfer na ibinibigay namin sa pamamagitan ng Ria Money Transfer App
(vii) Ang ibig sabihin ng "Ahenteng Nagbabayad" ay isang natural na tao o legal na entidad na kumikilos bilang third-party na tagapaglaan ng mga serbisyo sa pagbabayad o isang ahente na kumikilos sa aming ngalan o sa ngalan ng isang affiliate sa Aming Grupo na nagpe-payout ng Transaksyon sa Pagbabayad na pinasimulan mo para sa isang Recipient sa patutunguhang bansa na tinukoy mo
(viii) Ang ibig sabihin ng "Payment Order" ay lahat ng tagubiling isinumite mo sa amin na humihiling ng pagsasagawa ng isang Transaksyon sa Pagbabayad
(ix) Ang ibig sabihin ng "Transaksyon sa Pagbabayad" ay ang pag-transfer ng pera sa isang Recipient
(x) Ang ibig sabihin ng "Recipient" ay ang indibidwal na itinalaga mo bilang tatanggap ng Transaksyon sa Pagbabayad na isang natural na tao at katanggap-tanggap para sa amin, at siyang tatanggap ng money transfer sa pamamagitan ng isang itinakdang Ahenteng Nagbabayad, sa pamamagitan ng bank transfer sa bank account ng naturang itinalagang indibidwal o sa pamamagitan ng aming home delivery service (kung saan naaangkop)
(xi) Ang "Ria Money Transfer App" ay binigyang-kahulugan sa talatang may pamagat na ‘Panimula’ sa itaas
(xii) Ang mga salitang "ikaw", "iyo", "mo" at "user" ay nangangahulugang ikaw, ang taong nakikipagkontrata sa amin gamit ang Ria Money Transfer App para sa pagbibigay ng Aming Serbisyo
3. PAGBUO NG KONTRATA
Bawat Transaksyon sa Pagbabayad na isasagawa namin para sa iyo ay isang hiwalay na kontrata kung saan kasama ang Mga Tuntunin at Kondisyong ito. Hindi kailanman pinagtitibay ang isang kasunduan sa balangkas sa pagitan natin, na nag-oobliga sa aming magsagawa ng mga kasunod na Transaksyon sa Pagbabayad. Dapat mong abisuhan ang Recipient ng Transaksyon sa Pagbabayad nang naaalinsunod.
4. MGA PAGBABAGO
4.1. Maaari naming amyendahan ang Mga Tuntunin at Kondisyong ito paminsan-minsan, halimbawa, upang makasunod sa mga pagbabago sa batas o mga kinakailangang pangregulatoryo o dahil sa mga pagbabago sa mga kalagayan ng merkado.
4.2. Kung magsagawa kami ng anumang pagbabago sa Mga Tuntunin at Kondisyong ito, gagawin namin ito sa pamamagitan ng email at/o sa pamamagitan ng paglalagay ng binagong bersyon ng Mga Tuntunin at Kondisyong ito sa Ria Money Transfer App. Ipapaalam din namin sa iyo ang petsa kung kailan magkakabisa ang anumang pagbabago (ang "Petsa ng Pagkakaroon ng Bisa").
4.3. Ang mga pagbabagong ginagawa namin sa Mga Tuntunin at Kondisyong ito ay karaniwang ipinapatulad lamang sa mga Payment Order na pinasok matapos ang Petsa ng Pagkakaroon ng Bisa ngunit ipapatupad din sa mga Payment Order na pinasok bago ang Petsa ng Pagkakaroon ng Bisa kapag inatasan kaming gawin ito ayon sa batas o mga kinakailangang pangregulatoryo. Sa anumang pangyayari, at para maiwasan ang pagdududa, mananaig ang na-update na bersyon ng Mga Tuntunin at Kondisyong ito sa anumang naunang bersyon.
4.4. Hindi namin ginagarantiyahan na ang Ria Money Transfer App o anumang content na laman nito, ay palaging magiging available o hindi magagambala. Maaari naming suspindihin o bawiin o limitahan ang pagiging available ng lahat o anumang bahagi ng Ria Money Transfer App para sa mga kadahilanang pangnegosyo at pang-operasyon. Susubukan ka naming bigyan ng makatuwirang abiso (halimbawa, sa pamamagitan ng pagpo-post ng mensahe sa Ria Money Transfer App) tungkol sa anumang nakaiskedyul na pagsususpinde o pagbawi.
5. ACCESS SA AMING SERBISYO
5.1. Sa pamamagitan ng paggamit ng Ria Money Transfer App, kinakatawan at pinatutunayan mo na ikaw ay hindi bababa sa 18 taong gulang at mayroon kang legal na kapasidad na pumasok sa isang nagbubuklod na kontrata sa amin. Kapag napag-alaman namin sa pamamagitan ng mga maaasahang paraan na ang isang user ay wala pang 18 taong gulang, kakanselahin namin ang account ng user na iyon at idi-delete ang lahat ng impormasyon hinggil sa naturang user sa aming system at mga rekord.
5.2. Dapat na mayroon kang valid na user account upang magamit ang Aming Serbisyo ("user account"). Pwede kang mag-apply sa pamamagitan ng Ria Money Transfer App para gumawa ng user account sa pamamagitan ng paglalagay ng iyong personal na impormasyon at password, at pagkumpirma ng iyong pagtanggap sa Mga Tuntunin at Kondisyong ito. Kung tinanggap namin ang aplikasyon mo, gagawin namin ang iyong user account at ia-activate ito para magamit sa pag-access ng Aming Serbisyo, alinsunod sa mga limitasyong itinakda sa Mga Tuntunin at Kondisyong ito. Lahat ng impormasyong ibibigay mo ay itatago sa iyong user account at pananatilihin namin at/o ng ilang partikular na kumpanyang katransaksyon namin o ng aming Grupo para maibigay ang Aming Serbisyo.
5.3. Maa-access mo ang Aming Serbisyo gamit ang Ria Money Transfer App sa pamamagitan ng tamang paglalagay ng iyong user name at password (magkasama ay iyong "User ID") ngunit hindi kailanman sa iba pang pangyayari. Mahigpit na kumpidensyal, personal at hindi naipapasa ang iyong User ID. Responsibilidad mong tiyakin na pananatilihin mong ligtas at protektado ang iyong User ID at anumang iba pang pangseguridad na feature na nauugnay sa iyong access sa Ria Money Transfer App (kabilang ang anumang mga detalye ng Payment Order). HUWAG KAILANMAN IBIGAY ANG IYONG USER ID SA KAHIT KANINO AT HUWAG ITONG ISULAT KAHIT SAAN! Kung mapag-alaman mo o mayoon kang anumang hinala na hindi na kumpidensyal o nakompromiso sa anumang paraan ang iyong User ID, dapat kang makipag-ugnayan agad sa amin sa telepono sa: 1800 531 581 o sa email sa: au_support@riamoneytransfer.com Anumang hindi nararapat na pagkaantala sa pakikipag-ugnayan sa amin ay maaaring makaapekto sa seguridad ng Aming Serbisyo at/o magresulta sa pananagot mo sa anumang pagkawala.
5.4. Kapag naipaalam mo na sa amin ang hindi awtorisadong paggamit ng iyong User ID, gagawin namin ang lahat ng kinakailangang aksyon para mapigilan ang anumang dagdag na paggamit ng impormasyong ito. Ipapaalam namin sa iyo ang mga naturang hakbang matapos isagawa ang mga ito at ibibigay namin ang mga dahilan ng pagsasagawa ng mga naturang hakbang maliban kung pinipigilan kaming gawin ito para sa mga legal na dahilan. Ang pagsasagawa ng mga hakbang na ito ay hindi dahilan para magkaroon kami ng pananagutan sa anumang pagkawala o pinsalang maidudulot bilang resulta ng iyong pagkabigong sumunod sa iyong mga tungkulin sa ilalim ng Mga Tuntunin at Kondisyong ito. Gayunpaman, maaari kang magkaroon ng karapatan sa reimbursement o pagke-credit ng partikular na halaga mula sa iyong Card Issuer kung ginamit ang iyong Bank Card o ang iyong bank account sa paraang mapanlinlang. Depende sa mga kaugnay na batas at regulasyon, ikaw ang magiging responsable sa anumang pinsalang naidulot sa amin bilang resulta ng hindi awtorisadong paggamit ng iyong User ID.
5.5. Inilalaan namin ang karapatang i-disable ang iyong User ID sa sarili naming pagpapasya sa anumang dahilan o nang walang dahilan, kabilang kung, sa aming opinyon, nabigo kang sumunod sa anumang probisyon ng Mga Tuntunin at Kondisyong ito.
6. KINAKAILANGANG HARDWARE AT SOFTWARE
6.1. Dapat kang magbigay at/o makakuha ng anumang kagamitan o linya ng telekomunikasyon kabilang ang isang computer o device at isang operating system at printer upang i-print at panatilihin ang mga rekord sa papel, sa elektronikong storage, o sa iba pang matibay na medium, kung maaaring kailanganin para magamit mo ang Aming Serbisyo. Kinikilala mo na ang ilang partikular na software at kagamitan na ginagamit mo ay maaaring hindi kayang suportahan ang ilang partikular na feature ng Aming Serbisyo. Dapat kang mag-print at magtago ng kopya ng lahat ng abiso, pagsisiwalat at pahayag na ipapadala namin sa iyo sa paraang elektroniko.
6.2. Para mag-access at magpanatili ng mga notipikasyon, pagsisiwalat at pahayag na ibinibigay sa paraang elektroniko, dapat na mayroon kang:
(i) Isang device na tumatakbo sa isang platform na may kalidad ng Android o iOS environment, o mas mataas
(ii) Koneksyon sa internet
(iii) Kasalukuyang bersyon ng Android 4.4 (o mas mataas) o iOS 8 (o mas mataas)
(iv) Isang device at operating system na may kakayahang suportahan ang lahat ng nasa itaas
6.3. Inilalaan namin ang karapatang itigil ang suporta sa isang kasalukuyang bersyon ng software kung, sa aming opinyon, nakakaranas ito ng depekto sa seguridad o iba pang depekto na dahilan para hindi ito maging akmang gamitin sa Aming Serbisyo. Sa pamamagitan ng "kasalukuyang bersyon", ang ibig naming sabihin ay isang bersyon ng software na sinusuportahan at compatible sa Ria Money Transfer App sa anumang partikular na oras.
6.4. Inilalaan namin ang karapatan, sa sarili naming pagpapasya, na makipag-ugnayan sa iyo sa pamamagitan ng koreo.
6.5. Hindi kami responsable sa content, mga patakaran, produkto o serbisyo ng sinumang iba pang tao o website na naka-link sa o maa-access sa pamamagitan ng Ria Money Transfer App. Ang pag-iral ng anumang link sa anumang iba pang mobile application o website ay hindi katumbas ng pag-eendorso sa, o pagkakaugnay sa, anumang naturang mobile application, website o sinumang taong nagpapatakbo ng anumang naturang mobile application o website. Anumang pagkakaasa sa anumang content, mga patakaran o serbisyo ng sinumang ibang tao, anumang iba pang mobile application o website ay sa sarili mong panganib. Anumang katanungan, alalahanin o reklamo hinggil sa mga naturang mobile application o website ay dapat idirekta sa mga taong responsable sa kanilang pagpapatakbo.
6.6. Maaari mong i-bookmark ang Ria Money Transfer App o idagdag ito sa iyong mga paborito, ngunit hindi ka dapat gumawa ng link papunta sa anumang bahagi ng Ria Money Transfer App o sa anumang paraan ay magpahiwatig ng anumang anyo ng pagkakaugnay, pag-apruba o pag-endorso sa aming parte kung wala namang umiiral na ganoon.
7. PAGLALABAS NG MGA PAYMENT ORDER
7.1 Sa ilalim ng Mga Tuntunin at Kondisyong ito, magagamit mo ang Aming Serbisyo sa pamamagitan ng pag-log in sa Ria Money Transfer App at pagbibigay sa amin ng iyong mga Payment Order. Available ang Aming Serbisyo para sa mga Transaksyon sa Pagbabayad sa malawak na pagpipilian ng mga patutunguhang bansa at sa malawak na pagpipilian ng mga currency tulad ng itinatakda sa pana-panahon sa Ria Money Transfer App.
7.2. Dapat isama sa mga Payment Order ang naturang impormasyon, ayon sa mapagpapasyahan namin sa pana-panahon, para maibigay ang Aming Serbisyo sa iyo kabilang ang (ngunit hindi limitado sa) sumusunod na impormasyon:
(i) pangalan at iba pang detalyeng tumutukoy sa Recipient
(ii) patutunguhang bansa ng Transaksyon sa Pagbabayad
(iii) halaga at currency ng Transaksyon sa Pagbabayad; at
(iv) sakaling magkaroon ng Transaksyon sa Pagbabayad sa bank account ng isang Recipient, ang International Bank Account Number ("IBAN") kapag ang naturang bank account ay may IBAN code, o ang bank account number ayon sa tumutugma sa bawat kaso.
7.3. Tatanggap lamang kami ng Payment Order na ibinigay sa amin sa pamamagitan ng Ria Money Transfer App. Ang iyong tagubilin na magsagawa ng Transaksyon sa Pagbabayad ay ituturing namin bilang iyong pahintulot para ipagpatuloy namin, at aming awtorisasyon na, isagawa ang Transaksyon sa Pagbabayad na iyon.
7.4. Bibigyan ka ng dagdag na impormasyon at paliwanag tungkol sa mga hakbang na kailangan mong gawin para hilingin sa amin na magsagawa ng Transaksyon sa Pagbabayad para sa iyo kapag hiniling mo sa aming gawin ito at makikita ito sa ilalim ng seksyon ng “Mga Madalas Itanong” ng Ria Money Transfer App.
7.5. Paraan ng pagbabayad
Kung saan naaangkop, maaari kaming tumanggap ng bayad sa pamamagitan ng Bank Card o sa pamamagitan ng Bank Transfer bilang itinalagang paraan ng pagbabayad sa amin para sa pagsasagawa ng iyong Transaksyon sa Pagbabayad at sa customer fee na sisingilin namin para sa Transaksyon sa Pagbabayad. Dapat mong:
(i) (a) sa pamamagitan ng Bank Card: awtorisahan ang iyong Card Issuer na i-transfer ang pondo na hinihingi namin para sa Transaksyon sa Pagbabayad nang sa gayon: (a) makaltas ang naturang pondo sa account na naka-link sa iyong Bank Card; at (b) makatanggap kami ng awtorisasyon mula sa Card Issuer at kung gayon ay matanggap ang pondong kailangan namin para maituloy ang Payment Order; o
(b) sa pamamagitan ng Bank Transfer: awtorisahan ang iyong bangko na i-transfer ang pondo na hinihingi namin para sa Transaksyon sa Pagbabayad nang sa gayon: (a) ma-debit sa iyong account ang naturang pondo; at (b) matanggap namin ang pondong kailangan namin para maituloy ang Payment Order; at
(ii) tiyakin na ang iyong paraan ng pagbabayad ay may sapat na pondo o credit na magagamit at matatanggap namin ito sa takdang oras para pahintulutan kaming maituloy ang Payment Order;
(iii) tiyakin na natanggap namin ang pondo na sinasabi namin sa iyo na kailangan para maituloy ang Transaksyon sa Pagbabayad bago namin ipatupad ang iyong Payment Order. Ang kabuuang ito ay dapat kaagad na maging available sa amin sa mga na-clear na pondo at isagawa gamit ang iyong Bank Card o sa pamamagitan ng Bank Transfer mula sa iyong bank account.
7.6. Hindi kami nagbibigay ng credit at hindi kami maaaring magpauna ng anumang pondo para sagutin ang anumang bahagi ng isang Transaksyon sa Pagbabayad.
7.7. Kinikilala at sinasang-ayun mo na lahat ng Transaksyon sa Pagbabayad na inawtorisahan mo ay napapailalim sa lahat ng naaangkop na batas.
7.8. Ang iyong Card Issuer at/o iyong bangko o credit institution ay magkakaroon din ng mga tuntunin at kondisyon na naaangkop sa paggamit mo ng iyong Bank Card o mga serbisyo ng Bank Transfer, o bank account at dapat kang sumangguni sa (mga) naturang kasunduan kapag ibinibigay ang pondong kailangan para maituloy ang Transaksyon sa Pagbabayad dahil maaaring kasama sa mga naturang tuntunin at kondisyon ang pagpapatupad ng mga bayarin at singil at iba pang probisyon na ipinapataw ng iyong Card Issuer at/o ng iyong bangko o credit institution.
Ang ilang mga card ay may higit sa isang function ng sistema ng pagbabayad. Makikilala ang mga ito dahil mayroon silang logo ng Visa o Mastercard sa harap ng card at logo ng eftpos sa likod ng card. Maaaring piliin ng isang merchant kung aling sistema ng pagbabayad ang nagpoproseso ng transaksyon mula sa mga card na iyon habang ang parehong mga function ay tumuturo sa parehong card account. Kapag lumabas ang logo ng eftpos sa aming website o mobile application, nangangahulugan ito na pinili naming iproseso ang mga transaksyon sa pamamagitan ng eftpos mula sa mga card na iyon. Kung ang iyong card ay may logo lamang na eftpos, hindi pa ito pinagana ng iyong bangko para sa mga transaksyon mula sa iyong card.
8. PALITAN NG PERA (CURRENCY EXCHANGE)
8.1. Kapag hiniling mo sa aming magsagawa ng Transaksyon sa Pagbabayad sa isang currency na hindi Australian dollars, magpapatupad kami ng halaga ng palitan (exchange rate) bukod pa sa anumang singil sa serbisyo at sasabihin namin sa iyo kung ano ang halaga ng palitan na iyon.
8.2. Para sa dagdag na impormasyon tungkol sa price calculator (pagtatakda ng mga available na currency at bansa at halaga ng palitan), mga lokasyon ng payout at singil sa customer at halaga ng palitan, kumonsulta sa seksyon ng Mga Madalas Itanong sa Ria Money Transfer App.
9. PAGSASAGAWA NG TRANSAKSYON SA PAGBABAYAD
9.1. Nagbibigay ang Aming Serbisyo ng iba't ibang opsyon kung paano matatanggap ang isang Transaksyon sa Pagbabayad, kabilang ang cash sa isang Ahenteng Nagbabayad, direkta sa isang bank account o sa pamamagitan ng aming home delivery service, kung saan available.
9.2. Pagkolekta ng Transaksyon sa Pagbabayad sa pamamagitan ng isang Ahenteng Nagbabayad
Kung nakatanggap kami ng Payment Order kasama ng kinakailangang na-clear na pondo na ita-transfer at mga bayarin na nauugnay sa Transaksyon sa Pagbabayad bago ang pagsasara ng negosyo sa isang Araw ng Negosyo, ang Payment Order ay ituturing na natanggap namin noong Araw ng Negosyo na iyon ("Araw ng Pagkakatanggap"). Kung natanggap namin ang isang Payment Order pagkatapos ng pagsasara ng negosyo sa isang Araw ng Negosyo o sa araw na hindi Araw ng Negosyo, ang Payment Order ay ituturing na natanggap sa susunod na Araw ng Negosyo kasunod ng pagkakatanggap ng Payment Order.
9.3. Depende sa mga kaugnay na batas at regulasyon, itutuloy namin ang pagsasagawa ng Payment Order at gagawing available sa Recipient ang pondo sa pagtatapos ng naturang Araw ng Negosyo kasunod ng Araw ng Pagkakatanggap, o mas maaga pa.
9.4. Para sa mga regular na Transaksyon sa Pagbabayad, karaniwang nagiging available para makolekta ang pondo sa loob ng ilang minuto, alinsunod sa mga oras ng negosyo ng kinauukulang Ahenteng Nagbabayad, kung saan naaangkop. Para sa ilang bansa, maaaring maantala ang Aming Serbisyo o maaaring magpatupad ng iba pang paghihigpit. Kung kailangan mo ng dagdag na impormasyon, makipag-ugnayan sa aming customer service team, na may contact details na nasa sugnay 25 ng Mga Tuntunin at Kondisyong ito.
9.5. Para mangolekta ng Transaksyon sa Pagbabayad sa isang Ahenteng Nagbabayad, dapat ibigay ng Recipient ang lahat ng detalye tungkol sa Transaksyon sa Pagbabayad na hinihingi namin ("Mga Detalye sa Pagkolekta"). Dapat ding magbigay ang Recipient ng larawang katibayan ng pagkakakilanlan at, sa ilang pagkakataon, dagdag na impormasyon at/o katibayang dokumento ayon sa hinihingi namin o ng mga lokal na batas at regulasyon. Nag-iiba-iba ang mga katanggap-tanggap na anyo ng katibayan ng pagkakakilanlan depende sa bansa kung saan kokolektahin ang pondo.
9.6. HINDI MO DAPAT IBIGAY ANG ALINMAN SA MGA DETALYE SA PAGKOLEKTA (TINAKPAN MAN ANG ILANG BAHAGI O IBA PA) SA KAHIT NA SINO MALIBAN SA NAPILI MONG RECIPIENT. DAPAT MO RING GAWIN ANG LAHAT NG MAKATUWIRAN MONG MAKAKAYA PARA MATIYAK NA WALANG SINUMAN, MALIBAN SA NAPILI MONG RECIPIENT, ANG MAKAKAKUHA NG MGA DETALYE SA PAGKOLEKTA O ANUMANG BAHAGI NG MGA ITO. KUNG DIREKTA O HINDI KA DIREKTANG NAGSIWALAT NG ANUMANG MGA DETALYE SA PAGKOLEKTA SA KAHIT NA SINO MALIBAN SA NAPILI MONG RECIPIENT, HINDI KAMI MANANAGOT KUNG IBABAYAD NAMIN ANG PONDO SA IBANG TAO MALIBAN SA RECIPIENT, NA NAGBIBIGAY SA AHENTENG NAGBABAYAD NG MGA DETALYE SA PAGKOLEKTA AT, PINANINIWALAAN NG AHENTE BILANG VALID NA KATIBAYAN NG PAGKAKAKILANLAN.
9.7. Para sa isang Transaksyon sa Pagbabayad na ibabayad sa bank account ng Recipient, gagawing available ang pondo sa Recipient sa pagtatapos ng ikaapat na Araw ng Negosyo pagkatapos ng Araw ng Pagkakatanggap, o mas maaga pa.
9.8. Maaaring mag-iba-iba ang mga kasanayan sa pagbabangko sa bawat bangko, at sa patutunguhang bansa kung saan ike-credit ang pondo. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa kung kailan make-credit ang isang Transaksyon sa Pagbabayad sa naturang account, kakailanganin mong makipag-ugnayan sa account provider ng Recipient.
9.9. Kapag natanggap na namin ang isang Payment Order, hindi na ito mababawi maliban sa hangganan na maaari mo itong bawiin ayon sa nakasaad sa mga kaugnay na batas at regulasyon at tulad ng itinakda sa sugnay 17.
9.10. Kung nagpatupad kami ng Payment Order batay sa mga maling detalye na ibinigay mo, hindi kami mananagot sa anumang pagkawala na matatamo, bagama't susubukan naming makatulong sa pagbawi ng halagang ibinayad at inilalaan namin ang karapatang singilin ka ng bayad para sa aming mga makatuwirang gastos sa pagsasagawa nito.
9.11. Kapag tinanggap namin ang isang Payment Order alinsunod sa Mga Tuntunin at Kondisyong ito, bibigyan ka namin ng sumusunod na impormasyon sa elektronikong format, nang walang labis na pagkaantala:
(i) isang reference number na magpapahintulot sa iyong matukoy ang Transaksyon sa Pagbabayad at ang Recipient
(ii) ang halaga ng Transaksyon sa Pagbabayad na nakasaad sa currency na ginamit sa Payment Order
(iii) kumpirmasyon ng anumang singil sa customer at/o gastos na may kaugnayan sa Transaksyon sa Pagbabayad na dapat mong bayaran sa amin
(iv) ang halaga ng palitan na ginamit namin para ipatupad ang Transaksyon sa Pagbabayad at ang halaga ng Transaksyon sa Pagbabayad pagkatapos ng currency conversion na ito (kung ang Transaksyon sa Pagbabayad ay may kaakibat na currency exchange)
(v) ang petsa kung kailan namin natanggap ang Payment Order
9.12. Kapag nakumpirma ang isang Transaksyon sa Pagbabayad, awtomatiko kang makakatanggap ng notipikasyong e-mail sa address na ibinigay mo. Kapag naisagawa na namin ang Transaksyon sa Pagbabayad, makakatanggap ka rin ng mga notipikasyong e-mail sa address na ibinigay mo sa amin na nagkukumpirma (i) kung kailan dumating ang pondo at (ii) kung naaangkop, kung kailan nakolekta ng Recipient ang pondo.
9.13. Kapag hindi nabayaran ang isang Transaksyon sa Pagbabayad sa isang Recipient sa loob ng minimum na 15 araw hanggang sa maximum na 30 araw (depende sa bansa kung saan dapat kokolektahin ang pondo at sa Ahenteng Nagbabayad na sangkot sa Transaksyon sa Pagbabayad – makipag-ugnayan sa aming customer service para sa higit pang impormasyon), awtomatiko naming kakanselahin ang Transaksyon sa Pagbabayad at aabisuhan ka ayon sa nararapat. Pagkatapos noon, ang pondong bumubuo sa Transaksyon sa Pagbabayad ay hindi na pwedeng kunin ng Recipient at pananatilihin namin sa aming pangangalaga hanggang sa maisauli namin ito sa iyo (sa pamamagitan ng parehong paraan ng pagbabayad na ginamit mo para pondohan ang Transaksyon sa Pagbabayad).
10. MGA HINDI AWTORISADONG TRANSAKSYON SA PAGBABAYAD
10.1. Maaari kaming managot sa iyo kapag nagsagawa kami ng Transaksyon sa Pagbabayad para sa iyo na hindi mo inawtorisahan na gawin namin.
10.2. Kapag naniniwala ka na maaaring nagsagawa kami ng Transaksyon sa Pagbabayad na hindi mo inawtorisahan, dapat mong ipaalam sa amin sa lalong madaling panahon sa pamamagitan ng contact details na nakasaad sa sugnay 25 sa ibaba.
10.3. Alinsunod sa sugnay 10.4 sa ibaba, kapag nagsagawa kami ng naturang Transaksyon sa Pagbabayad, kaagad naming ire-refund sa iyo nang buo ang halaga ng Transaksyon sa Pagbabayad na iyon.
10.4. Hindi ka magkakaroon ng karapatan sa anumang katulad na refund:
(i) kapag hindi mo ipinaalam sa amin sa pamamagitan ng nakasulat na abiso nang walang hindi nararapat na pagkaantala na nalaman mong maaaring nagkaroon ng hindi awtorisadong Transaksyon sa Pagbabayad, at sa anumang pangyayari ay hindi dapat lumampas nang 2 linggo pagkatapos ng petsa kung kailan isinagawa ang hindi awtorisadong Transaksyon sa Pagbabayad; o
(ii) kung ang Transaksyon sa Pagbabayad ay inawtorisahan mo.
10.5. Ikaw ang mananagot sa amin para sa lahat ng pagkaluging mararanasan o matatamo namin kaugnay ng anumang panloloko at mapanlinlang na aktibidad na ginawa mo sa anumang oras.
11. HINDI PAGPAPATUPAD O MAY DEPEKTONG PAGPAPATUPAD NG MGA TRANSAKSYON SA PAGBABAYAD
11.1. Maaari kaming managot sa iyo kapag hindi namin nagawa o mali naming nagawa ang anumang Transaksyon sa Pagbabayad na inawtorisahan mong gawin namin. Kapag naniniwala ka na maaaring nabigo kaming isagawa o mali naming naisagawa ang naturang Transaksyon sa Pagbabayad, dapat mong ipaalam sa amin sa lalong madaling panahon at, kapag hiniling mo, magsasagawa kami ng mga agarang pagsisikap para imbestigahan ang pangyayari at ipapaalam namin sa iyo ang kinalabasan ng aming imbestigasyon.
11.2. Alinsunod sa sugnay 11.3 sa ibaba, kung saan nabigo kaming isagawa o mali naming naisagawa ang isang Transaksyon sa Pagbabayad, isasaayos at itatama namin ang pagkakamali, nang walang labis na pagkaantala, at ide-deliver ang halaga ng hindi naisagawa o maling naisagawa na Transaksyon sa Pagbabayad ayon sa orihinal na itinagubilin.
11.3. Hindi ka magkakaroon ng karapatan sa remedyong nabanggit sa itaas:
(i) kapag hindi mo ipinaalam sa amin sa pamamagitan ng nakasulat na abiso nang walang hindi nararapat na pagkaantala (at sa anumang pangyayari ay hindi lalampas nang 2 linggo pagkatapos ng petsa kung kailan naisagawa ang maling Transaksyon sa Pagbabayad) na nalaman mong posibleng nabigo kaming isagawa ang isang Transaksyon sa Pagbabayad na inawtorisahan mo o nagkamali kami sa pagsasagawa ng isang Transaksyon sa Pagbabayad na inawtorisahan mo;
(ii) kapag maipapakita namin na natanggap ng Recipient ang inawtorisahang halaga sa naaangkop na oras; o
(iii) kapag ang kabiguang isagawa o maling pagkakagawa ay dahil sa pagbibigay mo sa amin ng hindi kumpleto o maling impormasyon o kung hindi man ay dahil sa pagkakamali mo.
11.4. Hindi kami magkakaroon ng pananagutan sa iyo para sa kabiguang isagawa, o anumang maling pagsasagawa, ng isang Transaksyon sa Pagbabayad kung saan ang dahilan ay ang aming pagtangging ituloy ang Transaksyon sa Pagbabayad na iyon o anumang bahagi nito.
12. MGA BAYARIN
12.1. Ang paggamit ng Aming Serbisyo ay magtatamo ng bayarin sa transaksyon ng customer na sisingilin sa Bank Card o isasama sa Bank Transfer na tutukuyin mo bilang paraan ng pagbabayad para sa iyong Transaksyon sa Pagbabayad, bayarin ng customer at anumang iba pang gastos ayon sa itinadhana sa Mga Tuntunin at Kondisyong ito.
12.2. Bago ipatupad ang isang Payment Order, magbibigay kami ng impormasyon sa iyo hinggil sa bayarin at anumang pinaiiral na halaga ng palitan, na ipapakita sa seksyon ng order preview ng Ria Money Transfer App.
12.3. Bilang karagdagan sa anumang bayarin na sinisingil namin, maaaring isailalim ang isang Transaksyon sa Pagbabayad sa iba pang bayarin, gastos at halaga ng palitan na dapat bayaran sa iba pang partido, halimbawa, mga bangko at iba pang institusyon ng pagbabayad na sangkot sa Transaksyon sa Pagbabayad at pati na rin sa mga kaltas na maaaring ipatupad (halimbawa, para sa buwis) ayon sa iniaatas ng mga awtoridad ng patutunguhang bansa ng Transaksyon sa Pagbabayad. Ang halagang ibinabawas namin ay hindi hihigit sa halaga ng aming legal na responsibilidad.
12.4. Kung ginamit mo ang iyong mobile phone kaugnay ng isang Transaksyon sa Pagbabayad, magiging responsable ka rin para sa anumang bayarin na maaaring singilin ng iyong tagapaglaan ng serbisyo, tulad ng mga bayarin para sa SMS at mga serbisyo ng data.
13. PANGKOMPENSA
Sumasang-ayon ka na maaari naming kompensahin ang anumang halaga na dapat mong bayaran sa amin sa anumang kabuuan na dapat naming bayaran sa iyo.
14. MGA PAGHIHIGPIT SA TRANSAKSYON SA PAGBABAYAD
14.1. Inilalaan namin ang karapatan, sa sarili naming pagpapasya na: (i) tumangging iproseso ang isang Transaksyon sa Pagbabayad; (ii) limitahan ang halaga ng isang Transaksyon sa Pagbabayad; (iii) hingin sa iyo na magbigay ng karagdagang impormasyon para makumpleto ang isang Transaksyon sa Pagbabayad; at/o (iv) magsagawa ng mga makatwirang hakbang hinggil sa isang Transaksyon sa Pagbabayad kung sa aming opinyon ay kinakailangan ito para makasunod sa mga naaangkop na batas at regulasyon kabilang kung mayroon kaming mga alalahanin tungkol sa pagkakakilanlan ng mga taong sangkot sa Transaksyon sa Pagbabayad.
14.2. Sa kabila ng anumang naunang kasunduan para pasimulan ang isang Transaksyon sa Pagbabayad, maaari rin kaming, sa sarili naming pagpapasya, tumanggi na ituloy ang isang Transaksyon sa Pagbabayad sa mga kalagayan kung saan kabilang ang (ngunit hindi limitado sa):
(i) ang nilalayong Recipient ay kahit na sinong hindi natural na tao
(ii) hinihingi sa aming gawin ito sa ilalim ng mga naaangkop na batas laban sa money laundering (pagkukubli ng pinagmulan ng perang nakuha sa ilegal na paraan) o terrorist financing (pagbibigay ng pinasyal na suporta sa mga terorista) at/o kung saan alam o pinaghihinalaan namin na maaaring labag sa batas ang Transaksyon sa Pagbabayad (kabilang ang para sa mga pagkakataon ng panloloko)
(iii) nabigo kang magbigay sa amin ng sapat, kasiya-siya, at maaasahang katibayan ng iyong pagkakakilanlan o anumang iba pang impormasyon na hinihingi namin kaugnay ng isang Transaksyon sa Pagbabayad
(iv) alam o pinaghihinalaan namin na ang Payment Order na hiniling mo ay naglalaman ng mga pagkakamali, pineke, o hindi awtorisado
(v) binigyan mo kami ng mali o hindi kumpletong impormasyon, o hindi kami nakatanggap ng impormasyon ng Payment Order sa tamang oras upang magarantiya ang napapanahong pagpapatupad ng Transaksyon sa Pagbabayad
(vi) nabigo kang ibigay sa amin ang mga na-clear na pondo (kabilang ang anumang nauugnay na bayarin) na kinakailangan para maipatupad ang Transaksyon sa Pagbabayad
(vii) hindi inaawtorisahan ng iyong Card Issuer ang paggamit ng iyong Bank Card para mabayaran ang Transaksyon sa Pagbabayad at ang aming mga bayarin
(viii) hindi inaawtorisahan ng iyong bangko ang Bank Transfer para mabayaran ang Transaksyon sa Pagbabayad at ang aming mga bayarin
(ix) lumalabag ka sa isang obligasyon sa ilalim ng Mga Tuntunin at Kondisyong ito, kabilang ang isang obligasyong bayaran ang aming mga bayarin.
14.3. Inilalaan namin ang karapatang hindi tanggapin o pahintulutan ang mga pagbabayad mula o papunta sa, direkta man o hindi direkta, ilang partikular na bansa na natukoy namin, nang kumikilos sa sarili naming pagpapasya, na naghahatid ng malaking panganib sa aming negosyo o nagsasangkot ng mas mataas na antas ng kompleksidad para sa amin sa pagsasakatuparan ng aming proseso ng pagmomonitor sa transaksyon alinsunod sa batas laban sa money laundering o terrorist financing.
14.4. Inilalaan din namin ang karapatang humingi ng karagdagang impormasyon mula sa iyo, kabilang ang impormasyon tungkol sa Recipient, kung saan magsasagawa ng mga pagbabayad sa ilang partikular na bansa.
14.5. Kapag tumanggi kaming ituloy ang pagpapatupad ng isang Payment Order alinsunod sa Mga Tuntunin at Kondisyong ito, sasabihan ka namin bago ang pagtatapos ng Araw ng Negosyo kasunod ng pagkakatanggap ng Payment Order.
Kung saan posible at naaayon sa batas na gawin namin, ibibigay namin ang mga dahilan ng aming pagtangging ituloy ang iyong Payment Order. Sa mga pangyayari kung saan nagbigay ka ng maling impormasyon o nakaligtaang magbigay ng impormasyon, ipapaliwanag namin kung paanong maitatama ang sitwasyon.
14.6. Inaalok lamang ang Aming Serbisyo para sa iyong personal na mga pangangailangan sa Transaksyon sa Pagbabayad at sumasang-ayon kang huwag gamitin o tangkaing gamitin o pahintulutan ang anumang third party na gamitin ang Aming Serbisyo para sa anumang iba pang layunin kabilang ang mga layuning pangkomersyo o promosyon ng mga produkto at serbisyo, nang direkta man o hindi direkta. Sumasang-ayon ka rin na huwag gamitin ang Aming Serbisyo sa ngalan ng alinmang iba pang partido.
14.7. Ang Aming Serbisyo ay napapailalim sa mga naturang paghihigpit sa transaksyon ayon sa maaari naming ipataw sa pana-panahon, sa sarili naming pagpapasya, kabilang ang mga maximum na halagang ita-transfer, mga patutunguhang bansa at mga magagamit na currency.
15. PAGWAWAKAS
15.1. Maaaring agad naming wakasan ang Mga Tuntunin at Kondisyong ito at/o suspindihin ang Aming Serbisyo sa iyo:
(i) kapag hindi mo ibinigay sa amin ang lahat ng detalyeng hinihingi namin para maisagawa ang isang Transaksyon sa Pagbabayad
(ii) kapag naging labag na sa batas para ituloy namin ang pagbibigay sa iyo ng Aming Serbisyo at inaatasan kaming gawin ito ng batas, ng alinmang korteng may nararapat na hurisdiksyon o ng alinmang ahensyang panggobyerno o pangregulatoryo na nag-aawtorisa sa aming isagawa ang Aming Serbisyo
(iii) kasunod ng materyal na paglabag mo ng alinman sa Mga Tuntunin at Kondisyong ito o sakaling matuklasan namin o may makatwiran kaming dahilan para magsuspetsa ng anumang krimen, panloloko, mapanlinlang na aktibidad o money laundering na ginagawa mo
(iv) sakaling mamatay ka, mawala sa matinong pag-iisip, hindi mo na kayang bayaran ang iyong mga utang kapag at sa oras na dapat nang bayaran ang mga ito, nagharap ng petisyon sa pagkabangkarote laban sa iyo, idineklara kang bangkarote, nalubog ka sa utang, pumasok ka sa isang individual voluntary arrangement o pumasok ka sa likwidasyon o napailalim ka sa anumang katulad na kaganapan
(v) ayon sa itinadhana sa sugnay 18 (Mga kaganapang lampas na sa aming Kontrol).
15.2. Ang mga probisyon ng sugnay 15 na ito (Pagwawakas) at sugnay 18 (Mga kaganapang lampas na sa aming Kontrol), 21 (Pagprotekta ng Personal na Data), 22 (Limitasyon ng Pananagutan), 27 (Naaangkop na Batas at Hurisdiksyon), 28 (Mga Karapatan ng Third Party), at 33 (Buong Kasunduan) ay mananatiling may bisa kahit magwakas o mag-expire ang Mga Tuntunin at Kondisyong ito sa anumang kadahilanan.
16. KATANGGAP-TANGGAP NA LAYUNIN
16.1. Inilalaan namin ang karapatan, sa sarili naming pagpapasya, na magpataw ng mga tuntunin sa ‘katanggap-tanggap na layunin’ kaugnay ng pagbibigay ng Aming Serbisyo kabilang ang pagbabawal ng ilang partikular na kategorya ng mga Payment Order.
16.2. Kung isinagawa o tinangkang gawin ang alinmang Transaksyon sa Pagbabayad nang labag sa mga pagbabawal sa katanggap-tanggap na layunin na maipatutupad sa pana-panahon, inilalaan namin ang karapatang bawiin ang Transaksyon sa Pagbabayad at/o isara o suspindihin ang iyong paggamit ng Aming Serbisyo at/o isumbong ang transaksyon sa naaangkop na ahensyang nagpapatupad ng batas at/o maghabol ng mga bayad-pinsala mula sa iyo.
17. KARAPATANG IPAWALANG-BISA O KANSELAHIN ANG ISANG TRANSAKSYON SA PAGBABAYAD AT REFUND
17.1. Kung saan inawtorisahan mo kaming magsagawa ng Transaksyon sa Pagbabayad, itutuloy namin ang Transaksyon sa Pagbabayad na iyon maliban kung:
(i) binigyan mo kami ng malilinaw na tagubilin na nais mong ipawalang-bisa ang Payment Order sa pamamagitan ng pagkontak sa aming customer service team na may mga detalyeng tinukoy sa sugnay 25 ng mga Tuntunin at Kondisyong ito at, sa lahat ng kaso;
(ii) sumang-ayon kami sa sulat sa iyo na hindi namin ito gagawin,
(kapag pinagsama, isang "Kanselasyon").
17.2. Para maiwasan ang pagdududa, hindi kami tatanggap ng anumang Kanselasyon kung:
(i) naibayad na ang Transaksyon sa Pagbabayad sa iyong Recipient
(ii) hindi malinaw ang iyong mga tagubilin;
(iii) kapag natanggap namin ang anumang tagubilin ng Kanselasyon pagkatapos ng mga oras ng negosyo sa huling Araw ng Negosyo bago ang araw na dapat maganap ang Transaksyon sa Pagbabayad na iyon; o
(iv) naiproseso at naipadala na ang mga Transaksyon sa Pagbabayad, kung saan ang tagubilin mo ay ibayad ang Transaksyon sa Pagbabayad sa bank account ng iyong Recipient.
17.3. 17.3 Sa kabila ng nasa itaas, kung binigyan mo kami ng malinaw na mga tagubilin ng Kanselasyon, maliban sa mga kalagayang inilarawan sa itaas kung saan hindi namin tatanggapin ang isang Kanselasyon, susubukan pa rin naming kanselahin ang Transaksyon sa Pagbabayad. Gayunpaman, hindi kami mananagot para sa anumang pagkalugi na matatamo at inilalaan namin ang karapatang singilin ka ng bayad para masagot ang aming mga makatwirang gastos para sa isang Kanselasyon.
17.4. Impormasyon sa Refund
(i) Maliban kung naibayad na ang Transaksyon sa Pagbabayad sa iyong Recipient, at hanggang sa saklaw na pinahihintulutan ng batas, kapag humingi ka ng refund ng iyong Transaksyon sa Pagbabayad (o kaya'y nakansela ang iyong Transaksyon sa Pagbabayad), ire-refund namin sa iyo ang prinsipal na halaga ng Transaksyon sa Pagbabayad (sa aming Halaga ng Palitan sa oras na ginawa mo ang Transaksyon sa Pagbabayad) sa kondisyon na bibigyan mo ang Ria ng kopya ng isang valid na resibo at magpapakita ka ng valid na pagkakakilanlan. Hindi valid ang isang resibo maliban kung iprinoseso ang kaukulang transaksyon sa pamamagitan ng aming sistema at nilalaman nito ang computer-generated imprint ng kaugnay na impormasyon, kabilang ang, ngunit hindi limitado sa, tamang numero ng resibo/order.
(ii) Hanggang sa saklaw na pinahihintulutan ng batas, hindi namin ire-refund ang mga bayarin ng customer kapag hininto o kung hindi man ay kinansela ang Transaksyon sa Pagbabayad sa iyong kahilingan o dahil sa iyong paglabag sa Mga Tuntunin at Kondisyong ito.
(iii) Kinikilala at sinasang-ayunan mo na dapat maisagawa ang kahilingan para sa refund sa loob ng 2 taon mula sa petsa ng Transaksyon sa Pagbabayad.
(iv) Para humiling ng refund, makipag-ugnayan sa amin sa telepono sa: 1800 531 581 o sa email sa: au_support@riamoneytransfer.com
18. MGA KALAGAYANG LAMPAS NA SA AMING KONTROL
Hindi kami aako ng anumang pananagutan kung hindi namin naisagawa ang alinman sa aming mga obligasyon sa iyo o kung naantala ang aming pagsasagawa ng alinman sa aming mga obligasyon dahil sa anumang kalagayang nasa labas ng aming makatwirang kontrol, kabilang (nang walang limitasyon) ang anumang industriyal na pagkilos o welga, pagtatalo sa pagitan ng employer at mga manggagawa, pangyayaring hindi gawa ng tao, sunog, baha o bagyo, digmaan, riot, kaguluhang sibil, paglusob, alertong pangseguridad, gawain ng terorismo o anumang magreresultang hakbang sa pag-iingat na isasagawa, gawain ng bandalismo, sabotahe, virus, malisyosong pinsala, pagsunod sa anumang kautusang umiiral, probisyon ng batas, batas, kautusan ng gobyerno o korte, mga aksyon o tagubilin ng pulisya o ng anumang ahensyang panggobyerno o pangregulatoryo na nag-aawtorisa sa aming isagawa ang Aming Serbisyo, pagkaputol o pagpalya ng kuryente, pagpalya ng kagamitan, sistema o software o interkonektibidad ng internet o ang pangyayari ng anumang pambihirang pagbabago-bago sa anumang pinansyal na merkado na maaaring magkaroon ng malaki at masamang epekto sa aming kakayahang isagawa ang Aming Serbisyo, o ang aming mga obligasyon sa ilalim ng mga naaangkop na batas at regulasyon. Kung mangyari ang alinman sa mga kalagayang ito, sususpindihin ang Mga Tuntunin at Kondisyong ito para sa panahong nagpapatuloy ang mga kalagayan, o sa sarili naming pagpapasya at upang maprotektahan kayo at kami, maaari naming wakasan ang Mga Tuntunin at Kondisyong ito.
19. MGA NOTIPIKASYON AT ELEKTRONIKONG KOMUNIKASYON
19.1. Saklaw ng iyong pahintulot para makatanggap ng mga elektronikong notipikasyon at komunikasyon
Bilang bahagi ng iyong relasyon sa amin, maaari kang makatanggap ng mga nakasulat na notipikasyon at komunikasyon kaugnay ng Aming Serbisyo. Dahil sa aming paninindigan sa pagprotekta ng kapaligiran at para padaliin ang paggamit ng Aming Serbisyo, ang mga naturang notipikasyon at komunikasyon ay ihahatid sa anyong elektroniko. Sa layong ito, at hanggang sa saklaw na pinahihintulutan ng mga naaangkop na batas sa alinmang panahon, sumasang-ayon kang makatanggap sa elektronikong format ng lahat ng impormasyon na iaatas sa amin, sa iba pang paraan, na ibigay sa iyo sa anyong papel, kabilang ang, ngunit hindi limitado sa: (i) mga legal na hinihinging pagsisiwalat, abiso at iba pang komunikasyong nauugnay sa iyong pag-access sa o paggamit ng aming Serbisyo, kabilang ang impormasyon tungkol sa mga bayarin o singil at anuman at lahat ng legal na hinihinging pagsisiwalat bago at pagkatapos ng Transaksyon sa Pagbabayad; (ii) kumpirmasyon tungkol sa pagkolekta at/o pagkakatanggap ng isang Transaksyon sa Pagbabayad; (iii) Mga Tuntunin at Kondisyong ito, anumang update o pagbabago sa Mga Tuntunin at Kondisyong ito at iba pang sulat na nagbibigay-kaalaman tungkol sa parehong bagay; (iv) mga komunikasyon ng customer service; (v) mga patakaran at abiso sa privacy; (vi) impormasyon tungkol sa pagkakaltas o paniningil, ayon sa naaangkop sa napili mong paraan ng pagbabayad; (vii) anuman at lahat ng legal na hinihinging patakaran sa pagresolba ng error, at mga sagot sa mga paghahabol na naisampa kaugnay ng iyong pag-access sa o paggamit ng Aming Serbisyo (viii) anumang iba pang komunikasyong may kaugnayan sa iyong pag-access sa at/o paggamit ng Aming Serbisyo, at (ix) mga pang-marketing at iba pang pampromosyong komunikasyon.
19.2. Pagpapanatiling napapanahon ang iyong e-mail at anumang elektronikong address sa amin Dapat mong panatilihing napapanahon ang iyong e-mail address at anumang iba pang elektronikong address at mga detalye sa pakikipag-ugnayan (kabilang ang iyong numero ng cellphone) sa Ria Money Transfer App.
19.3. Upang matiyak na makakapagbigay kami ng mga abiso, pagsisiwalat, at pahayag sa iyo sa paraang elektroniko, dapat mo kaming abisuhan tungkol sa anumang pagbabago sa iyong e-mail o iba pang elektronikong address at sa iyong numero ng cellphone. Maaari mong i-update ang e-mail address at numero ng cellphone na nailagay namin sa rekord para sa iyo sa pamamagitan ng Ria Money Transfer App.
20. INTELEKTWAL NA ARI-ARIAN
20.1. Ang Aming Serbisyo at ang Ria Money Transfer App, ang kabuuan ng mga nilalaman, feature, at functionality nito (kabilang ang, ngunit hindi limitado sa, lahat ng impormasyon, software, teksto, display, imahe, graphics, video at audio, at ang disenyo, seleksyon at pagkakaayos nito), ay pagmamay-ari namin, ng Euronet Worldwide Inc. group (isang grupo kung saan kami kabilang) ("Aming Grupo") at/o ng aming/kanilang mga tagalisensya o iba pang tagapaglaan ng naturang materyal. Pinoprotektahan ang mga ito ng mga batas ng Australia, at mga internasyonal na batas na namamahala sa karapatang-ari (copyright), trademark, patent, trade secret at iba pang karapatan sa intelektwal na ari-arian o mga karapatan sa pag-aari at nananatiling pagmamay-ari namin, ng Aming Grupo at ng alinmang kaugnay na third party na tagalisensya.
20.2. Pinahihintulutan kang gamitin ang Ria Money Transfer App at ang aming Serbisyo nang para lamang sa iyong personal at hindi komersyal na paggamit. Hindi mo dapat:
(i) kopyahin, baguhin, gawan ng mga hinangong gawa, ipakita sa publiko, ilantad sa publiko, muling ilathala, i-download, iimbak o ipadala ang alinman sa mga materyal na nasa aming site, maliban kung para: (a) pansamantalang mag-save ng mga kopya ng mga naturang materyales sa “Random Access Memory”; (b) mag-imbak ng mga file na awtomatikong ikina-cache ng iyong web browser para sa mga layunin ng pagpapahusay ng display; at/o (c) mag-print ng makatwirang bilang ng mga pahina ng Ria Money Transfer App para sa isang pinahihintulutang paggamit
(ii) baguhin ang mga kopya ng alinmang materyales mula sa Ria Money Transfer App o i-delete o ibahin ang anumang mga abiso sa mga karapatan sa karapatang-ari, trademark o iba pang karapatan sa pag-aari mula sa mga kopya ng materyales mula sa site na ito
(iii) gamitin ang anumang imahe, graphics, video o audio mula sa Ria Money Transfer App nang hiwalay sa anumang kasamang teksto
(iv) paramihin, ibenta, o samantalahin para sa anumang komersyal na layunin ang anumang bahagi ng Ria Money Transfer App, access sa Ria Money Transfer App o paggamit ng Ria Money Transfer App o anumang serbisyo o materyales na magagamit sa pamamagitan ng Ria Money Transfer App.
20.3. Kapag nag-print, kumopya, nag-download o kung hindi man ay gumamit ka ng anumang bahagi ng Ria Money Transfer App nang labag sa Mga Tuntunin at Kondisyon, kaagad na magwawakas ang iyong karapatang gamitin ang Ria Money Transfer App at dapat mong, kung aming pipiliin, ibalik o sirain ang anumang kopya ng materyales na ginawa mo. Walang karapatan, titulo o interes sa Ria Money Transfer App o anumang nilalaman na nasa site ang ipinapasa sa iyo, at kami, ang aming mga tagalisensya, kasama ng alinman sa mga kumpanyang bumubuo ng bahagi ng Aming Grupo at kanilang mga tagalisensya, ay inilalaan ang lahat ng karapatang hindi malinaw na ipinagkakaloob. Anumang paggamit ng Ria Money Transfer App na hindi malinaw na pinahihintulutan ng Mga Tuntunin at Kondisyong ito ay paglabag sa Mga Tuntunin at Kondisyong ito at maaaring lumabag sa mga batas sa karapatang-ari, trademark, at iba pang batas.
21. PAGPROTEKTA NG PERSONAL NA DATA
Nakasaad sa aming Patakaran sa Privacy ang mga tuntunin kung paano namin ipinoproseso ang anumang personal na data na nakokolekta namin mula sa iyo, o ibinibigay o ibinigay mo sa amin sa ibang paraan. Sa paggamit ng Ria Money Transfer App, pinapayagan mo ang naturang pagpoproseso at kinakatawan at ginagarantiyahan mo na lahat ng data na ibinigay mo ay tama. Ang aming Patakaran sa Privacy ay makukuha sa pamamagitan ng pag-click sa link ng "Patakaran sa Privacy" sa Ria Money Transfer App.
22. LIMITASYON NG PANANAGUTAN
22.1. Ang kabuuang pananagutan namin sa iyo kaugnay ng isang Transaksyon sa Pagbabayad ay limitado sa buong halaga ng Transaksyon sa Pagbabayad kasama ng anumang singil na maaaring responsibilidad mo at anumang interes na maaaring kinakailangan mong bayaran bilang resulta ng anumang hindi pagsasagawa o maling pagsasagawa namin ng Transaksyon sa Pagbabayad.
22.2. Kung nilabag namin ang anumang kinakailangan na ipinataw sa amin ng mga kaugnay na batas at regulasyon (na maaaring magtakda ng ilang partikular na obligasyon sa amin bilang tagapaglaan ng Aming Serbisyo, kabilang ang may kaugnayan sa hindi awtorisado, hindi naisagawa at maling naisagawang mga Transaksyon sa Pagbabayad), hindi kami mananagot sa iyo kung ang naturang paglabag ay dahil sa mga hindi normal at hindi inaasahang kinahinatnan na lampas na sa aming kontrol, kung saan hindi maiiwasan ang mga kinahinatnan nito sa kabila ng lahat ng pagsisikap namin sa kabaligtaran o kung ito ay dahil sa iba pang obligasyong ipinataw sa amin sa ilalim ng iba pang probisyon ng mga naaangkop na batas at regulasyon.
22.3. Sa kabila ng anumang iba pang probisyon sa Mga Tuntunin at Kondisyong ito, hindi namin ibinubukod ang aming pananagutan sa pagkamatay o pinsalang dulot ng aming kapabayaan o ng kapabayaan ng aming mga empleyado o ahente, mapanlinlang na misrepresentasyon o anumang iba pang pananagutan na hindi maaaring ibukod sa ilalim ng naaangkop na batas.
23. RESPONSIBILIDAD PARA SA MGA PAGKALUGI
Ikaw ang dapat na maging responsable sa anumang pagkalugi, gastusin o iba pang gastos na matatamo namin, ng Aming Grupo, mga affiliate at tagalisensya at kanilang mga kinauukulang opisyal, direktor, empleyado, kontraktor, ahente, tagalisensya, at supplier mula at laban sa anumang paghahabol, pananagutan, bayad-pinsala, paghuhusga, gantimpala, pagkalugi, gastos, gastusin o bayarin (kabilang ang mga makatwirang legal na bayarin) na magreresulta mula sa iyong paglabag sa Mga Tuntunin at Kondisyong ito, kabilang, nang walang limitasyon, ang anumang paggamit ng nilalaman ng Ria Money Transfer App o ng Aming Serbisyo nang bukod pa sa malinaw na inawtorisahan sa Mga Tuntunin at Kondisyong ito o iyong paggamit ng anumang impormasyong nakuha sa Ria Money Transfer App, o iyong kapabayaan, panloloko o sinadyang maling asal.
24. PAGTATATWA NG MGA WARRANTY
24.1. Hindi mo dapat gamitin sa maling paraan ang Ria Money Transfer App sa pamamagitan ng sinasadyang pagpapapasok ng mga virus, trojan, worm, logic bomb o iba pang materyal na malisyoso o nakakasama sa teknolohiya. Hindi mo dapat tangkain na makakuha ng hindi awtorisadong access sa Ria Money Transfer App, sa server kung saan nakatago ang Ria Money Transfer App o anumang server, computer o database na konektado sa Ria Money Transfer App. Hindi mo dapat atakihin ang Ria Money Transfer App sa pamamagitan ng denial-of-service attack o distributed denial-of-service attack. Sa pamamagitan ng paglabag sa probisyong ito, ituturing kang gumawa ng pagkakasalang kriminal sa ilalim ng mga batas sa komunikasyon, multimedia, cybersecurity, cybercrime, maling paggamit ng computer o mga krimen sa computer o iba pang naaangkop na batas. Isusumbong namin ang anumang ganoong paglabag sa mga kaugnay na awtoridad na nagpapatupad ng batas at makikipagtulungan kami sa mga awtoridad na iyon sa pamamagitan ng pagsisiwalat ng iyong pagkakakilanlan sa kanila. Sa kaganapan ng naturang paglabag, kaagad na magwawakas ang iyong karapatan na gamitin ang Ria Money Transfer App.
24.2. Ang iyong paggamit ng Ria Money Transfer App, ng nilalaman nito at ng Aming Serbisyo ay sa sarili mong panganib. Hanggang sa pinahihintulutan ng batas: (a) ang Ria Money Transfer App, ang nilalaman nito at ang Aming Serbisyo na nakuha sa pamamagitan ng Ria Money Transfer App ay ibinibigay nang "as is" (sa kasalukuyan nitong kondisyon) at "as available" (kapag magagamit ito), nang walang anumang uri ng representasyon, warranty o garantiya, malinaw man o ipinahihiwatig; at (b) walang sinuman sa amin o sinumang taong may kaugnayan sa amin ang gumagawa ng anumang warranty o representasyon hinggil sa pagkakumpleto, seguridad, pagkamaaasahan, kalidad, katumpakan, pagiging nasa panahon o pagiging available ng Ria Money Transfer App. Nang walang pinsalang maidudulot sa nabanggit, maliban sa saklaw na iniaatas ng batas, walang sinuman sa amin o sinumang nauugnay sa amin ang kumakatawan o tumitiyak na ang Ria Money Transfer App, ang nilalaman nito o anumang serbisyo o item na nakuha sa pamamagitan ng Ria Money Transfer App ay magiging tumpak, maaasahan, walang error o hindi magagambala, na ang mga depekto ay itatama, na ang Ria Money Transfer App o ang (mga) server na naghahatid nito ay walang virus o iba pang mapaminsalang component o na ang Ria Money Transfer App o anumang serbisyo o item na nakuha sa pamamagitan ng Ria Money Transfer App ay makakatugon sa iyong mga pangangailangan o inaasahan sa iba pang paraan. Sa pamamagitan ng sugnay 24.2 na ito, itinatatwa namin sa pamamagitan nito ang anumang ng uri ng warranty, malinaw man o ipinahihiwatig, ayon sa batas o iba pang paraan, kabilang ang, ngunit hindi limitado sa anumang warranty ng kakayahang maikalakal, hindi paglabag at kaangkupan para sa partikular na layunin. Hindi naaapektuhan ng nabanggit ang anumang warranty na hindi maaaring ibukod o limitahan sa ilalim ng naaangkop na batas.
25. CUSTOMER SERVICE
25.1. Pinahahalagahan namin ang lahat ng aming customer at sineseryoso namin ang aming mga obligasyon. Maaari kang makipag-ugnayan sa aming customer service team kaugnay ng Aming Serbisyo at Ria Money Transfer App sa pamamagitan ng telepono sa 1800 531 581, o sa pamamagitan ng email sa: au_support@riamoneytransfer.com, o sa pamamagitan ng koreo sa Ria Customer Service, Level 1, 75 Castlereagh Street, Sydney, NSW, 2000 Australia.
25.2. Nagtakda kami ng mga internal na proseso para sa pag-iimbestiga ng anumang reklamo na maaaring isampa laban sa amin. Alinsunod sa aming proseso ng pagrereklamo, anumang reklamo na maaari mong isampa ay dapat gawin o kumpirmahin sa amin sa sulat sa pamamagitan ng email sa Ria Compliance Department sa: compliance-au@riafinancial.com, o sa pamamagitan ng koreo sa Ria Compliance, Level 1, 75 Castlereagh Street, Sydney, NSW, 2000 Australia.
25.3. Kung gusto mo ng dagdag na detalye ng aming patakaran sa pagrereklamo, sumangguni sa Patakaran sa Pagrereklamo sa Ria Money Transfer App. Kung hindi ka pa rin nasisiyahan kasunod ng aming pagtugon sa anumang reklamo, mayroon kang karapatang isangguni ang iyong reklamo sa Australian Financial Complaints Authority (AFCA), GPO Box 3, Melbourne, VIC 3001, Australia o magsampa ng online na reklamo sa info@afca.org.au o sa pamamagitan ng fax sa (03) 9613 6399. Makakakuha ng dagdag na impormasyon tungkol sa pagsasampa ng reklamo sa AFCA sa: https://www.afca.org.au/
26. MGA HEOGRAPIKONG PAGHIHIGPIT
Inilalaan namin ang Ria Money Transfer App para magamit lamang ng mga taong naninirahan sa Australia. Wala kaming ipinahahayag na maa-access o angkop sa labas ng Australia ang Ria Money Transfer App o alinman sa nilalaman nito. Maaaring hindi legal ang pag-access sa Ria Money Transfer App kung ginawa ng ilang partikular na tao o sa ilang partikular na bansa.
27. NAAANGKOP NA BATAS AT HURISDIKSYON
27.1. Ang Mga Tuntunin at Kondisyong ito, ang paksang pinag-uusapan at ang pagkakabuo nito, ay pinamamahalaan ng mga batas ng Australia, maliban sa mga panuntunan nito sa salungatan ng batas (conflict of law). Bilang residenteng mamimili ng Australia, makikinabang ka rin sa anumang mandatoryong probisyon ng mga batas sa pagprotekta sa mamimili ng Australia.
27.2. Sumasang-ayon tayo pareho na ang mga korte sa Australia ay magkakaroon ng hindi eksklusibong hurisdiksyon sa anumang pagtatalo.
27.3. Hindi naaapektuhan ng Mga Tuntunin at Kondisyong ito ang iyong mga karapatang nakabatay sa batas bilang mamimili.
28. MGA KARAPATAN NG THIRD PARTY
Ang isang taong hindi partido sa kasunduang ito ay hindi magkakaroon ng anumang karapatang magpatupad ng alinmang probisyon ng Mga Tuntunin at Kondisyong ito. Nangangahulugan ito na ikaw at kami lamang ang mayroong anumang karapatan, obligasyon o pribilehiyo sa ilalim ng Mga Tuntunin at Kondisyong ito.
29. SEVERABILITY
Kapag natuklasan ng anumang korteng may karampatang hurisdiksyon na anumang bahagi ng Mga Tuntunin at Kondisyong ito ay walang bisa, labag sa batas o hindi maipatutupad sa anumang kadahilanan, ang mga bahaging iyon ay tatanggalin mula sa Mga Tuntunin at Kondisyong ito at walang sinuman maliban sa iyo o sa amin ang maaaring magpatupad ng alinman sa mga tuntuning ito o gumawa ng anumang aksyon para ipatupad ang mga natitirang bahagi ng Mga Tuntunin at Kondisyong ito. Hindi nito maaapektuhan ang pagkakabisa ng mga natitirang bahagi na patuloy na magkakaroon ng bisa sa iyo at sa amin.
30. WALANG PAGSUSUKO
Walang kabiguang ipatupad o pagkaantala sa pagpapatupad ng anumang karapatan o remedyo na maaari mo o naming gamitin sa ilalim ng Mga Tuntunin at Kondisyong ito (kasama na ang itinadhana ng Mga Tuntunin at Kondisyong ito o sa ibang paraan ay magagamit sa ilalim ng mga batas ng Australia) ang mangangahulugan na ikaw o kami ay hindi maaaring gumamit ng anumang ganoong karapatan o remedyo sa ibang petsa.
31. PAGTATALAGA
31.1. Hindi mo maaaring italaga, ilipat, isingil o ipaubaya ang Mga Tuntunin at Kondisyong ito o alinman sa iyong mga obligasyon, karapatan o pribilehiyo sa ilalim ng Mga Tuntunin at Kondisyong ito sa sinumang tao sa anumang oras nang wala ang aming paunang nakasulat na pahintulot.
31.2. Maaari naming italaga, ilipat, isingil o ipaubaya ang Mga Tuntunin at Kondisyong ito nang buo o bahagya o alinman sa aming mga obligasyon, karapatan o pribilehiyo sa sinumang iba pang tao sa anumang oras (kabilang ang sa alinmang affiliate sa Aming Grupo), ngunit magsasagawa kami ng mga naaangkop na hakbang para subukang tiyakin na ang pagsasagawa nito ay hindi makakapinsala sa alinman sa iyong mga karapatan sa ilalim ng Mga Tuntunin at Kondisyong ito.
32. BUONG KASUNDUAN
Ang Mga Tuntunin at Kondisyong ito ay bumubuo sa buong kasunduan sa pagitan mo at namin at humahalili sa anumang naunang kasunduan (nakasulat man o pasalita) na maaaring umiral sa pagitan mo at namin. Walang anuman sa sugnay 32 na ito ang magbubukod sa anumang pananagutan na magkakaroon ka o kami sa ibang paraan kaugnay ng anumang pahayag na ginawa sa paraang mapanlinlang.
33. MGA TRADEMARK
Ang (mga) pangalang Ria, Ria Financial, Ria Money Transfer, Euronet Worldwide, Inc., Euronet at Dandelion Payments, Inc. at lahat ng kaugnay na pangalan, logo, pangalan ng mga produkto at serbisyo, mga disenyo at mga kaugnay na slogan ay mga nakarehistrong trademark na pagmamay-ari namin, ng Aming Grupo, o ng mga subsidyaryo nito o iba pang may hawak ng lisensya (ayon sa magiging kalagayan). Hindi mo maaaring gamitin ang mga trademark, pangalan, logo o slogan na ito o nang wala ang aming paunang nakasulat na pahintulot. Lahat ng iba pang pangalan, trademark at sign ay eksklusibo lamang na gagamitin para sa mga layunin ng identipikasyon at ang mga ito ay nakarehistrong trademark ng mga kinauukulang may-ari ng mga ito.
I-Follow kami